Ang mga problema sa kalusugang pangkaisipan ay nakaapekto sa ating pag-iisip at mga kilos. Ang kadalasang sanhi nito ay pang aabuso, kahirapan, utang, at iba pa.
Ito ay nakakaapekto sa ating buhay dahil ang mga taong may problema sa kalusugang pangkaisipan ay maaring itulak palayo ang kanilang mga mahal sa buhay. Maari nilang maisip nila na hindi sila karapat-dapat sa kanila at na may mas nararapat pang mas mabuting tao para sa kanila. Maari din nilang masaktan ang nararamdaman ng taong nagmamahal sa kanila.
Para masulusyonan ang problema na ito, mahalagang wag natin ipunin ang ating nararamdaman at huwag mahihiyang magkuwento sa taong pinagkakatiwalaan naten kung kailangan. Pwede rin tayong pumunta sa isang propesyonal at konsultahin sila sa iyong nararamdan upang malaman mo kung anong nangyayari sa iyo at hindi mo maramdaman na parang naliligaw ka. Mahalaga rin na mabago mo 'yon kahit na mukha man siyang mahirap sa umpisa at pakiramdam mo ay walang nangyayari, habaan mo lang ang pasensya mo sa iyong sarili at laging tandaan na magiging ayos din ang lahat sa huli.
Comments
Post a Comment