Skip to main content

PAGBABAGO NG KLIMA (Vicente)

Isang halimbawa ng sanaysay tungkol sa kapaligiran.

Maraming isyu ang kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan. Ngunit kung ako’y bibigyan ng pagkakataon na maging bahagi ng mga isyung ito, ang una kong pagtutuunan ng pansin ay ang isyu tungkol sa ating kapaligiran. Ginawa ko ang sanaysay na ito upang mailahad ko ang mga bagay na aking naiisip na kaakibat ng ating kapaligiran sa kasalukuyang panahon.

Patuloy na nasisira ang ating kapaligiran, dahilan upang magkaroon ng negatibong pagbabago hindi lamang dito sa ating bansa bagkus pati na rin sa buong daigdig. Ang lumalalang sitwasyon ay nagiging dahilan upang magkaroon ng pangyayari na tinatawag na global warming. Ang global warming ay ang pagtaas ng temperatura ng ating mga karagatan at atmosphere at ang patuloy na paglala nito. Sinasabi ng mga scientist at mga eksperto na ang dahilan nito ay ang pagsusunog ng mga fossil fuels na nagiging sanhi ng pagkasira ng ozone layer ng ating atmosphere. At dahil unti-unting nabubutas ang ozone layer, ang init na galing sa araw o itong tinatawag na sun’s rays na mapanganib sa ating kapaligiran kung ito’y direktang makapapasok ay siya na ngang nagyayari sa kasalukuyang panahon. Ang ozone layer ang siyang nagsisilbing taga-sala nito o filter upang ang mga mabubuting sinag lamang ang makapasok sa ating atmosphere.

Sa isyu ng global warming, napakahalaga na pagtuunan ng pansin ang mga bagay na nagiging dahilan ng ganitong pangyayari. Alamin, sa abot ng makakaya, ang mga sanhi ng global warming. Sa ganitong paraan, malalaman natin ang mga dahilan ng pagkasira ng ating atmosphere at magagawan natin ng paraan. Maiiwasan natin ang mga gawaing nakapagdudulot ng unti-unting pagkabutas ng ating ozone layer gaya ng pagsusunod ng mga fossil fuels.

Comments

Popular posts from this blog

EDUKASYON (Macoy)

Hindi natin mapagkakaila na ang ating bansa ay marami pa ring kinakaharap na problema at isa na rito ay hindi lahat ng tao ay nakatatamasa ng kalidad na edukasyon. Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon, umabot sa 1.207 milyon ang mga batang may edad na anim na taon ang hindi nakapag-aaral at ito ay nadadagdagan pa. Ilan sa mga dahilan nito ay ang hindi pagkakaroon ng sapat na kakayahan para makapag-aral, hindi nabibigyan ng oportunidad para makapag-aral, at kakulangan sa mga pasilidad o paaralan sa kanilang lugar. Bukod pa rito, isa rin ang kahirapan sa pinakamalaking dahilan kung bakit hindi nakapag-aaral ang isang tao dahil may mga taong pinipili na lang na magtrabaho kaysa mag-aral upang matugunan ang kanilang pangangailangan. Ang kawalan ng kalidad na edukasyon ay may malaking epekto sa buhay ng tao kaya naman mahalaga na masolusyonan natin ang problemang ito. Ang edukasyon ay tumutukoy sa pagkatuto ng isang tao na upang mapagyaman ang kaniyang kaalaman. Ito ay isa sa mahahalagang bagay

KAHIRAPAN NG MGA TAO (Romero)

Magbigay sapat na trabaho sa mga tao lalo na sa mga taong hindi nakapagaral o nakapagtapos sakanilang pagaaral at pagbigay pansin ng gobyerno para matugunan ang kahirapan ng maraming tao sa ating bansa. Pagtulong galing sa gobyerno ang kailangan para matugunan ang kahirapan ng mga tao lalo na dumadami ang mga taong nawawalan ng trabaho, dahil sa nangyayaring sakuna at kalamidad na pumasok sa ating bansa lalo na sa mga taong nahihirapan sakanilang pang hanapbuhay at matugunan ang pang araw araw nilang pangangailangan sa kanilang pamilya at kinabukasan.