Maraming tao ang nag hihirap dahil sa corruption. Maraming mga mayayaman na ang tingin sa mahihirap ay mga walang kwenta, mga walang pakinabang, pero hindi yon totoo; kaya maraming nag hihirap dahil sa mga mayayaman na nang aabuso at nang kakam ng mga yaman, katulad ng pang babarat sa mga mag sasaka. Hindi porket na mayaman kayo ang tingin niyo na sa sarili niyo ay mas angat, dahil sa mundong ito, lahat ng tao ay pantay-pantay mapa mahirap o mayaman. Kaya masusulusyunan ito kung hindi tayo mang-aabuso ng kapwa naten at bigyan ng pantay-pantay na pag tingin ang mga tao. At para naman sa gobyerno, dapat bigyan nila ng trabaho ang mga taong walang trabaho; sa pamamagitan neto giginhawa na ang buhay ng mga tao at mas uunalad ang Pilipinas.
Hindi natin mapagkakaila na ang ating bansa ay marami pa ring kinakaharap na problema at isa na rito ay hindi lahat ng tao ay nakatatamasa ng kalidad na edukasyon. Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon, umabot sa 1.207 milyon ang mga batang may edad na anim na taon ang hindi nakapag-aaral at ito ay nadadagdagan pa. Ilan sa mga dahilan nito ay ang hindi pagkakaroon ng sapat na kakayahan para makapag-aral, hindi nabibigyan ng oportunidad para makapag-aral, at kakulangan sa mga pasilidad o paaralan sa kanilang lugar. Bukod pa rito, isa rin ang kahirapan sa pinakamalaking dahilan kung bakit hindi nakapag-aaral ang isang tao dahil may mga taong pinipili na lang na magtrabaho kaysa mag-aral upang matugunan ang kanilang pangangailangan. Ang kawalan ng kalidad na edukasyon ay may malaking epekto sa buhay ng tao kaya naman mahalaga na masolusyonan natin ang problemang ito. Ang edukasyon ay tumutukoy sa pagkatuto ng isang tao na upang mapagyaman ang kaniyang kaalaman. Ito ay isa sa mahahalagang bagay
Comments
Post a Comment