Skip to main content

PAGHARAP SA SARILING PROBLEMA (Albar)

Lahat naman tayo ay may kanya kanyang problema. At lahat dapat ng problema nilalagpasan o sinosolusyonan. Mahalaga ang problema sa ating buhay dahil jan tayo matututo pano iresolba ito. Hindi lang tayo mag aayon sa mga tao o saatin. Maari din tayong humingi sa diyos ng guidance para sa tinatahak nating problema. Para lalo tayong mas malinawan at mas lalo tayong mapalapit sakanya. Dahil di sa lahat ng pag kakataon meron tayong masasandalang tao para i-kuwento o ibahagi ang ating mga problema. Kaya dapat may isa tayong kinakausap at pinag kakatiwalaan ayun ay ang diyos. Dahil kahit anong oras pwede mo syang kwentuhan pwede mo syang masandalan sa mga problema mo. Mag dasal kalang sakanya ng taimtim at siguraduhin hindi mo gagamitin sa masama ang mga bagay na hiniling mo sakanya. At kung maresolba mo man ang problema mo ng ikaw lang mag isa. Mag pasalamat ka parin sa kanya dahil siya ang nagbigay sayo ng lakas at tapang para malagpasan ang problema na yun. Kahit hindi ka humiling o nag dasal para sa kanya. Pag nakita ka nyang may problema o nahihirapan ka siguradong tutulungan ka nya. Sabihin man nating dumagdag pa ang problema mo. Darating at darating ang panahon na su-swertehin ka din sa buhay. Mahalaga ang problema sa ating buhay dahil jan mo makikita kung gano ka katatag at kalakas sa mga problemang kinakaharap mo. Kaya wag mo'ng tatalikuran ang problema mo dahil kasama yan sa buhay hindi ka matututo kapag hindi ka mabibigyan ng problema sa buhay. Kaya lagi kalang manalangin at mag pa ka tatag para malagpasan mo ang iyong problema. Sabihin man nating mahirap yan tiisan mo lang sabihin man nating imposible yan gawin mo padin. Kasi malay mo ayun na pala yung chance para mawala yung problema mo na yun. Ayun na yung chance para sa mga magagandang oportunidad para sayo para sa sarili mo. Kaya mag pakatatag kalang sa buhay malalagpasan mo din lahat ng yan. Binigay ng tadhana upang malampasan natin ito ng may dignidad at matuto ng ating mga aral. Pagkatapos lamang ang ating buhay ay magbabago para sa mas mahusay at kumikinang na may maliliwanag na kulay.

Comments

Popular posts from this blog

EDUKASYON (Macoy)

Hindi natin mapagkakaila na ang ating bansa ay marami pa ring kinakaharap na problema at isa na rito ay hindi lahat ng tao ay nakatatamasa ng kalidad na edukasyon. Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon, umabot sa 1.207 milyon ang mga batang may edad na anim na taon ang hindi nakapag-aaral at ito ay nadadagdagan pa. Ilan sa mga dahilan nito ay ang hindi pagkakaroon ng sapat na kakayahan para makapag-aral, hindi nabibigyan ng oportunidad para makapag-aral, at kakulangan sa mga pasilidad o paaralan sa kanilang lugar. Bukod pa rito, isa rin ang kahirapan sa pinakamalaking dahilan kung bakit hindi nakapag-aaral ang isang tao dahil may mga taong pinipili na lang na magtrabaho kaysa mag-aral upang matugunan ang kanilang pangangailangan. Ang kawalan ng kalidad na edukasyon ay may malaking epekto sa buhay ng tao kaya naman mahalaga na masolusyonan natin ang problemang ito. Ang edukasyon ay tumutukoy sa pagkatuto ng isang tao na upang mapagyaman ang kaniyang kaalaman. Ito ay isa sa mahahalagang bagay

PAGBABAGO NG KLIMA (Vicente)

Isang halimbawa ng sanaysay tungkol sa kapaligiran. Maraming isyu ang kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan. Ngunit kung ako’y bibigyan ng pagkakataon na maging bahagi ng mga isyung ito, ang una kong pagtutuunan ng pansin ay ang isyu tungkol sa ating kapaligiran. Ginawa ko ang sanaysay na ito upang mailahad ko ang mga bagay na aking naiisip na kaakibat ng ating kapaligiran sa kasalukuyang panahon. Patuloy na nasisira ang ating kapaligiran, dahilan upang magkaroon ng negatibong pagbabago hindi lamang dito sa ating bansa bagkus pati na rin sa buong daigdig. Ang lumalalang sitwasyon ay nagiging dahilan upang magkaroon ng pangyayari na tinatawag na global warming. Ang global warming ay ang pagtaas ng temperatura ng ating mga karagatan at atmosphere at ang patuloy na paglala nito. Sinasabi ng mga scientist at mga eksperto na ang dahilan nito ay ang pagsusunog ng mga fossil fuels na nagiging sanhi ng pagkasira ng ozone layer ng ating atmosphere. At dahil unti-unting nabubutas ang ozone

KAHIRAPAN NG MGA TAO (Romero)

Magbigay sapat na trabaho sa mga tao lalo na sa mga taong hindi nakapagaral o nakapagtapos sakanilang pagaaral at pagbigay pansin ng gobyerno para matugunan ang kahirapan ng maraming tao sa ating bansa. Pagtulong galing sa gobyerno ang kailangan para matugunan ang kahirapan ng mga tao lalo na dumadami ang mga taong nawawalan ng trabaho, dahil sa nangyayaring sakuna at kalamidad na pumasok sa ating bansa lalo na sa mga taong nahihirapan sakanilang pang hanapbuhay at matugunan ang pang araw araw nilang pangangailangan sa kanilang pamilya at kinabukasan.