Paano nga ba nila na solusyon ang mga problema ng kahirapan sa biglang pagdaan ng pandemya? Ano ang mga naging paraan at solusyon nila sa pang-araw-araw
pamumuhay? Sa pagdaan ng pandemya karamihan sa mga nawalan at nagtanggal sa trabaho ay nag-isip sila ng paraan kung paano nila masosulusyunan ang kinakaharap nilang problema dahil sa pandemya. kaya naman karamihan sa mga tao ay naisipan nila na magbenta ng mga bagay-bagay o ibat-ibang klase ng mga produkyo sa social media o sa ibat-ibang klase ng social network. Ito ang mga naging solusyon nila sa kinakarap o pinagdaanang pagsubok sa kanilang buhay dahil sa pandemya. Gayunpaman naging malaking tulong ang teknolohiya sa kanilang pagbebenta ng mga damit upang maitawid lamang ang kanilang pang-araw-araw. Kaya naman marami ng mga tao ang nahikayat magbenta ng gamit sa social media.
Hindi natin mapagkakaila na ang ating bansa ay marami pa ring kinakaharap na problema at isa na rito ay hindi lahat ng tao ay nakatatamasa ng kalidad na edukasyon. Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon, umabot sa 1.207 milyon ang mga batang may edad na anim na taon ang hindi nakapag-aaral at ito ay nadadagdagan pa. Ilan sa mga dahilan nito ay ang hindi pagkakaroon ng sapat na kakayahan para makapag-aral, hindi nabibigyan ng oportunidad para makapag-aral, at kakulangan sa mga pasilidad o paaralan sa kanilang lugar. Bukod pa rito, isa rin ang kahirapan sa pinakamalaking dahilan kung bakit hindi nakapag-aaral ang isang tao dahil may mga taong pinipili na lang na magtrabaho kaysa mag-aral upang matugunan ang kanilang pangangailangan. Ang kawalan ng kalidad na edukasyon ay may malaking epekto sa buhay ng tao kaya naman mahalaga na masolusyonan natin ang problemang ito. Ang edukasyon ay tumutukoy sa pagkatuto ng isang tao na upang mapagyaman ang kaniyang kaalaman. Ito ay isa sa mahahalagang bagay
Comments
Post a Comment